Wednesday, June 10, 2009










Parang kahapon lang walang tigil na pumapatak ang ulan…. alam ko ..nararamdaman ko titila din iyon. Gusto kitang pasalamatan dahil tinapos mo din ang lahat, tama ka siguro sa sinabi mong kung anu-ano lang ang iniisip ko kaya lagi akong balisa… ang totoo takot lang akong mawala ka. Salamat…. sa inyong dalawa.. sa iyo Mahal ko at kay Luxmie, dahil as inyong dalawa nakita ko sa sarili ko ang bagay na kinatatakutan ko… ang makasakit ng kapwa ko, natakot ako na baka sa isang iglap hindi ko na makilala kung sino ako… muntik na akong lumayo.. kamuntik lang… dahil natatakot ako para sa sarili ko.

Nagpapasalamat ako dahil natapos na rin sa wakas, ang akala kong magtatagal ay tinapos mo din sa isang iglap. Nalulungkot ako para sa kanya at para sa iyo… nasabi ko sa sarili ko na sa isang bahagi ng buhay ko nakilala ko ang dalawang tao na hindi nagawang ipaglaban ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa… Noong nakaraang biyernes, naramdaman ko na wala akong asawa ng mga oras na iyon… at hindi ko maisip na sa mahabang oras kung saan hinahap kita nasa piling ka nya…

Hindi mo na kailangan pang patunayan ang sarili mo… hindi mo na rin kailangan na sabihin sa akin na dapat akong maging masaya dahil ako ang pinili mo, dahil kahit hindi naman ako ang piliin mo alam kong masaya pa rin ako sa bandang huli dahil nagawa kong ipaglaban ang pagmamahal ko sa iyo..naipadama ko iyon sa iyo ng walang takot.. at wala akong pinagsisisihan dahil don.. Alam kong masaya ka na nalaman mong dalawa ang nagmahal sayo… ako hindi.. sa totoo lang hindi talaga.. pagiging makasarili na lang siguro.

Salamat sa inyong dalawa… salamat sa pagkakataon na mabuo ko ulit ang sarili ko..salamat sa pagmamahal mo… sa susunod na pagpatak ng malakas na ulan alam kong matibay ang dala kong payong… salamat sa karanasan…

No comments: