Saturday, June 13, 2009


As I watch you exploring your busy world, I could not help but to stare at your face...then flashback exist....
I see myself hurting so much, while you enjoy the moment with your girl... I see many lies and betrayals... I see the rain pouring so hard on me.. I feel cold but you are not here to comfort me... I see the truth--- I see you looking straight into my eyes while saying " Yes, I love her..and that's the reality you have to accept"... I thought the truth will set me free... but why do I feel I'm still trapped?..
...there was silence...
... the flashback did not only make me cry... I bleed instead.
I know, until now you are still keeping her deep in your heart... why can't you see me hurting?.... why cant you look at me the way I look at you?...
why cant you love me the way I love you?
YOU ARE MY HUSBAND- YOU ARE MY LIFE, EVERYTHING THAT YOU DO, AFFECTS MY WHOLE BEING...
... WHEN I FOUND OUT THAT YOU ALREADY GIVE YOUR HEART TO SOMEONE... AND YOU ADMIT IT TO ME WHILE LOOKING STRAIGHT IN TO MY EYES...
... IT DID NOT ONLY HURT ME.... IT KILLED ME

Thursday, June 11, 2009

The Dance of Life...


There are two hearts that met in a dance,,that moment was magical...there was a sweet song playing..There was harmony and soon love was in the air...They fell in love and they started building castles in their dreams and promised forever with all certainty..But somehow in the midst of the fun,they got lost in the dance...Something went wrong but they can never do anything..They were just drifting away,their fortress falling apart...There were so many questions but no one had an answer..Then the music stopped and there was silence...

When we truly love someone we give our best and let that person see the pureness of our intention...but sometimes that person makes us cry and hurts us for the wrong reason..That person must have loved us but he has not loved us enough to make him stand for what he truly felt..Now we are faced with seemingly impossible task of FORGETTINGWe have burdened ourselves long enough but we still can't get out of this emotional trap..Let us remember that the more we try to forget someone we love,the more painful letting go will become..Sometimes we never have to take that person out of our hearts at all..For he will always be there no matter how hard we try to drive him away...It isn't his presence that makes forgetting difficult .it is our stubbornness to accept our destiny that aligns forgetting next to impossible..We keep a cold face but deep in our hearts there's still that lingering hope for reconciliation..

Somehow we still believe that we can rekindle small embers and relight the fire in our hearts..thoughts give us hope but it also breeds the seed of loneliness and despair..THE ONLY WAY TO FORGET IS TO ACCEPT AND THE ONLY WAY TO MOVE ON IS TO LOOK FORWARD and let the footprints of the past be blown by the winds of time...Only then our hearts will find a partner in the dance of life and hopefully never get lost again....

Still In The SHADOW




It has been two months since the day I lost my faith and my belief in the promise of eternal love. I hated so much things about me including the way i have loved one person in my life and how he got me blinded to see the reality… the reality that one day he could love another woman aside from me. So much words had been said… yet there are still more left unsaid. Last night, he whispered to me ” Accept it”.. that was one of the hardest thing he asked me to do, how can I accept the reality when everytime I look into his eyes, I see her. How can I easily accept it when you did not promise to end it. How can I accept the reality that she loves you and that you love her too, when you know that there was I..your wife who is hurting.

Someday, I will forget these… the pain, the hurting words from you. And someday I will be stronger enough to accept you and her. It will be hard by now I know but these wont take too long.

Inspite all of these, I am still happy that I love you still….

Wednesday, June 10, 2009

Sana Lang...




Sa isang iglap lahat nagbago.. parang kulang na lang hatakin ko muli ng sandali pabalik sa panahong una kong naramdaman na mahal kita… sa haba ng panahon na lumipas gusto kong ipakita sayo na minahal kita ng higit sa buhay ko… gusto kong dalhin ka sa panahon kung saan sinabi ko sa sarili ko na ikaw ang lalaking pakamamahalin ko habang buhay… pakinggan mong mabuti dahil minsan ko lng sinabi yon, ngunit hanggang ngayon dala-dala ko pa rin ang mga salitang iyon sa puso ko…

Minsan nangarap ako na maging akin ka na sana… halika! hawakan mo ang kamay ko dadalhin kita sa panahon kung saan mahabang taon akong naghintay para maging akin ka lang… nakikita mo ba kung gaano ako kasaya ng sinabi mong “Will you marry me?”.. nakita mo ba ang mga luha sa gilid ng aking mga mata.. naramdaman mo ba and bilis ng tibok ng puso ko sa saya… nakita mo rin ba ang takot? at pagkasabik?… kumapit ka sa akin dadalhin kita sa panahon kung saan,,, nasaktan ako ng… hindi ka tumupad.. napansin mo ba kung paanong unti-unting gumuho ang mundo ko?… pero sa kabila non ipinaglaban kita… pinaglaban ko ang pagmamahal ko.. nakikita mo ba kung paanong ayaw kong bitiwan ang pag-ibig na yon?… kasi iyon lang ang nagpapasaya sa akin…maraming bagay ang nagpapangiti sa akin sa tuwing naaalala kita… halika ka! samahan mo ako, mahal ko… dadalhin kita sa panahon kung saan lagi kong binabalikan ang magagandang alaala natin.. nakikita mo ba ang ngiti sa aking mga labi? napansin mo ba kung panong ayaw kong idilat ang mga mata ko?, nangangamba kasi ako na baka mawala ka… nakakatuwa pero… oo.. lagi akong naghihintay sayo… kahit abutin ako ng madaling araw sa labas ng bahay namin… kahit pinapapasok na ako ng tatay ko…at kahit malakas ang buhos ng ulan.. hindi ko sinusunod yon..kasi ang gusto ko lng makita ka…. nakikita mo ba? kung andon ka ulit sa panahong ‘yon darating ka kaya para makita ko? at yakapin o hahayaan mo akong maghintay?…
…alam mo ba kung gaano ako kasaya ng sa pangalawang pagkakataon niyaya mo ulit ako.. “will you marry again?”… hawakan mo ang kamay ko dadalhin kita sa panahon na ito kung saan mas naging lamang ang pangamba kesa sa saya… pikit mata akong sumagot ng “oo” .. ang bilis ng tibok ng puso ko…ngunit may takot… masaya ako… masayang-masaya… Paulit-ulit kong binabalikan ang alaala kung saan.. ikaw ang naging first dance ko… nakikita mo ba? ang saya-saya ko… first time ko kasi yon… para akong nsa langit.. hind ko makalimutan ang init ng mga palad mo habang hawak mo ang mga kamay ko at dahan-dahan tayong nagsasayaw… kahit wala nang musika patuloy pa din tayong nagsasayaw…sabi mo pakinggan lang ang tibok ng puso natin at iyon ang magsisilbing musica… nakita mo ba?



Lahat ng yan.. mga alaala ko na tintago ko sa puso ko… marami pa akong pinapangrap… subukin mong pumasok sa puso ko ngayon… kahit minsan lang… andito ka lagi…. totoo, nagagalit ako sa iyo ngayon… kasi, nasasaktan mo ako… pero ang mga alaalang yon ang nananatili sa puso ko upang mahalin pa kita ng paulit-ulit…
Sana lang…. kaya kong ibalik ang panahon na ‘yon ngayon mismo… sana lang pwede mangyari… dahil kung magkatotoo… doon muna ako sa mga panahon na ‘yon…. dun muna ako magtatago… upang maramdaman ko ulit ang pagmamahal mo…..
sana lang….
Kahapon akala ko tapos ng bumuhos ang ulan at makikita ko na ulit ang pagsikat ng araw, hindi pa pala… mas lumakas ang hangin, mas lumakas ang buhos ng ulan.. at pinilit kong dalhin ang pinakamalaking payong ng buhay ko…
Maraming bagay ang nagdudulot ng lungkot sa puso ko ngayon, may lulungkot pa ba sa pag aakalang nabuhay ka sa mundong ikaw lang ngunit ngayon may kahati ka na…. siguro sa ilang makakabasa nito ngayon kapag tinanong ko kung payag sila na may kahati sa puso ng taong minamahal mo malamang sa hindi ang sagot… ako? hindi din, ngunit habang kaya ko pang tumayo sa ngayon at habang may lakas pa akong sugurin ang malakas na hangin at ulan.. gagawin ko…. kahit masakit pag aaralan kong tanggapin iyon….





tomorrow… i will learn to forgive









Parang kahapon lang walang tigil na pumapatak ang ulan…. alam ko ..nararamdaman ko titila din iyon. Gusto kitang pasalamatan dahil tinapos mo din ang lahat, tama ka siguro sa sinabi mong kung anu-ano lang ang iniisip ko kaya lagi akong balisa… ang totoo takot lang akong mawala ka. Salamat…. sa inyong dalawa.. sa iyo Mahal ko at kay Luxmie, dahil as inyong dalawa nakita ko sa sarili ko ang bagay na kinatatakutan ko… ang makasakit ng kapwa ko, natakot ako na baka sa isang iglap hindi ko na makilala kung sino ako… muntik na akong lumayo.. kamuntik lang… dahil natatakot ako para sa sarili ko.

Nagpapasalamat ako dahil natapos na rin sa wakas, ang akala kong magtatagal ay tinapos mo din sa isang iglap. Nalulungkot ako para sa kanya at para sa iyo… nasabi ko sa sarili ko na sa isang bahagi ng buhay ko nakilala ko ang dalawang tao na hindi nagawang ipaglaban ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa… Noong nakaraang biyernes, naramdaman ko na wala akong asawa ng mga oras na iyon… at hindi ko maisip na sa mahabang oras kung saan hinahap kita nasa piling ka nya…

Hindi mo na kailangan pang patunayan ang sarili mo… hindi mo na rin kailangan na sabihin sa akin na dapat akong maging masaya dahil ako ang pinili mo, dahil kahit hindi naman ako ang piliin mo alam kong masaya pa rin ako sa bandang huli dahil nagawa kong ipaglaban ang pagmamahal ko sa iyo..naipadama ko iyon sa iyo ng walang takot.. at wala akong pinagsisisihan dahil don.. Alam kong masaya ka na nalaman mong dalawa ang nagmahal sayo… ako hindi.. sa totoo lang hindi talaga.. pagiging makasarili na lang siguro.

Salamat sa inyong dalawa… salamat sa pagkakataon na mabuo ko ulit ang sarili ko..salamat sa pagmamahal mo… sa susunod na pagpatak ng malakas na ulan alam kong matibay ang dala kong payong… salamat sa karanasan…